Sumakabilang buhay na ang character actor na si Paquito Diaz.
Kinumpirma ng isang malapit sa pamilya Diaz ang pagpanaw ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi.
Ayon sa aming source, pumanaw si Paquito sa kanyang tahanan sa Daraga, Albay kaninang bandang alas-otso ng gabi, Marso 3. Siya ay 73 anyos.
Bago ang kanyang pagpanaw ay na-confine si Paquito sa Estevez Memorial Hospital sa Albay. Kahapon, Marso 2, lamang daw siya naiuwi sa kanilang bahay.
Noong nakaraang linggo ay napabalitang pumanaw na ang aktor ngunit mabilis itong pinabulaanan ng kanyang mga kaanak. Pero kanina nga ay tuluyan nang binawian ng buhay si Paquito, na itinuturing na isa isa pinakamahusay na kontrabida sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.
Ayon pa sa source ng PEP, paluwas na ng Albay ngayon ang mga anak ni Paquito, kabilang na ang aktor na si Joko Diaz.
Sa mga hindi nakakakilala kay Paquito, madalas siyang gumanap na kontrabida sa mga pelikula ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. Ilan sa mga pelikulang nagawa nila ay ang mga sumusunod: Asedillo (1971), Totoy Bato (1977), Durugin si Totoy Bato (1979), Bandido sa Sapang Bato (1981), Partida (1985), Musim Magnum 357 (1986), Kapag Lumaban Ang Api (1987), Agila ng Maynila (1989), Kapag Puno na Ang Salop Part II (1989), Kahit Konting Pagtingin (1990), May Isang Tuper ng Taxi (1990), Mabuting Kaibigan...Masamang Kaaway (1991), Hindi Pa Tapos Ang Laban (1994), Ikaw Ang Mahal Ko (1996), Ang Pagbabalik ng Probinsiyano (1998), Isusumbong Kita sa Tatay Ko (1999), Ang Dalubhasa (2000), at Pakners (2003).
Noong 2004 ay na-stroke si Paquito. Sumailalim siya sa major brain surgery, na naging dahilan ng pagkaubos ng kanyang ipon at nagpahina rin nang husto ng kanyang katawan.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
No comments:
Post a Comment