Monday, February 7, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)




Manny and Jinkee Pacquiao excited to meet US President Barack Obama at the White House this month

Manny and Jinkee Pacquiao excited to meet US President Barack Obama at the White House this month
Slideshow: Showbiz Photos

Kinumpirma ni Manny "Pacman" Pacquiao na natanggap na nila ni Jinkee ang imbitasyon sa White House na makipagkita kay US President Barack Obama at First Lady Michelle Obama.

"Oo, may invitation kami mula sa White House at ngayong February na yan," nakangiting sagot ni Manny sa tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nuong Sabado, February 5, during the 10th birthday party of Pacman's eldest, Jemuel, at the Palms Country Club in Alabang.

"Siyempre, excited tayo dahil matagal ko nang pangarap na makaharap at makausap si US President Obama. Isa ito sa hindi ko malilimutan na parte ng buhay ko dahil malaki ang paghanga ko sa kanya," dagdag pa niya.

Si Manny nga ang magiging kauna-unahang Filipino boxer na makakapasok sa White House sa Washington DC. Hindi nga basta-basta nang-iimbita ang White House ng mga celebrities at kapag nakatanggap ka ng invitation, ibig sabihin ay isa kang importanteng tao sa mundo.

"Nakakataba ng puso ang pagkilala nila sa atin. Kahit saan naman ako magpunta, dala-dala ko ang bansa natin. Pinagmamalaki ko ang pagiging Pinoy natin at hanggang sa White House ay dala natin ito," sabi ni Pacman.

Excited rin ang asawa niyang si Jinkee. Hindi siya makapaniwala na makakarating na siya roon at makikilala niya ang presidente ng United States of America.

"Hindi ko alam ang gagawin ko or masasabi ko kapag nandoon na kami. Baka matulala na lang ako kapag nasa harapan namin sila," tawa pa niya. "Bahala na kung ano ang mangyari. Basta huwag lang akong kabahan."

May mga pinagpipilian na nga raw na isusuot si Jinkee sa pagpunta nila ni Manny sa White House. Gusto raw niya ay simple pero elegante ang dating.

"May napili na ako before. Pero may mga tinitingnan pa ako na iba pang mga damit. Siyempre, ayoko namang mapahiya si Manny sa akin. Kailangan presentable ako bilang misis niya.

"For sure, maganda ang suot ni First Lady Michelle Obama. Sana magandahan siya sa mapipili kong isusuot ko."

10TH BIRTHDAY. Masayang idinaos ang 10th birthday party ng anak ni Manny at Jinkee Pacquiao na si Emmanuel Jr. or Jemuel na ginanap sa Grand Ballroom ng Palms Country Club sa Filinvest Alabang nuong February 5.

Wrestle Mania nga ang theme ng birthday party ni Jemuel at karamihan sa kanyang mga bisita ay mga classmates at kaibigan niya sa kanyang pinapasukang school na Brent International School.

Hindi nga siyempre nawala ang mga sikat na magulang ni Jemuel na sila Manny at Jinkee. Present din ang mga kapatid niyang sila Michael, Princess at Queenie Pacquiao.

Hindi nga raw tumanggap ng anumang appointment si Pacman para mag-enjoy siya sa birthday party ng kanyang anak. Hindi nga kaila sa lahat na busy ito sa kanyang trabaho bilang congressman, pero para raw sa kanyang pamilya ay maglalaan siya ng oras.

"Basta pagdating sa family ko, sila ang uunahin ko," ngiti pa ni Pacman.

"Nag-promise ako kay Jemuel na hindi ako magiging busy sa birthday party niya. Gusto kong makasama ang mga kaibigan niya at ang mga magulang nila sa importanteng araw ng kapanganakan niya."

Wish nga ni Manny na lumaki na mabait, magalang, at may takot sa Diyos ang kanyang mga anak.

"Wish ko rin na maging maganda silang example sa ibang kabataan ngayon. Habang bata, tinuturuan na namin sila ng mga magagandang asal. Gusto namin na maging paki-pakinabang sila sa bansa natin balang-araw."

Si Jinkee naman ay hindi inaasa sa ibang tao ang paghanda ng birthday party ni Jemuel. Tumulong din siya sa pag-asikaso nito.

"Tuwing sasapit naman ang birthday ng mga bata, hindi puwedeng hindi ako tumulong. Hindi kumpleto kung hindi ako kikilos para maging maayos ang party nila," sabi ni Jinkee.

WRESTLE MANIA THEME. Si Jemuel nga raw ang pumili ng Wrestle Mania theme para sa party niya.

"Tinanong namin siya kung ano ang gusto niyang klaseng party? Gusto raw niya ay yung wrestling. Paborito niya kasi ang mga wrestling stars. Kaya okey lang, birthday naman niya," kwento ng kanyang ina.

"Pero sinabi ko kay Jemuel na okey lang na paborito niya, huwag lang siyang maging wrestler! Parang mas mahirap iyon kesa sa boxing, 'di ba? Dasal ko na huwag siyang maging wrestler!"

Inamin ni Jinkee na minsan ay naiiyak siya dahil ang bibilis daw lumaki ng kanilang mga anak ni Manny. Kelan lang daw ay mga babies lang sila, pero ngayon ay malapit nang magbinata.

"Nagugulat nga ako, ang bilis nilang lumaki. In five years, mga binata na sila at panliligaw na ang gagawin nila. Huwag pa naman sana dahil para sa akin, mga babies pa rin sila.

"Pero ang maganda ay yung nakikita ko silang lumalaki. Parati naman akong kasama ng mga bata kaya alam ko ang mga gusto nila at mga kinikilos nila," ani Jinkee.

"Tulad nga ngayon, nasasama na sila sa mga biyahe namin ni Manny. Nitong nakaraang Pasko at New Year, out of the country kami. Kasama namin ang mga bata kaya mas enjoy. Unlike noon na nami-miss namin sila."

Wish nga ni Jinkee na huwag daw munang makaisip si Jemuel na manligaw or magkaroon ng crush sa mga classmates niyang babae.

"Naku huwag muna. Gusto ko yung naglalaro lang siya. Yung wala pa siyang alam sa mga crush-crush. Tama na ang ganito na puro laruan muna."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

Unknown said...

wow grabe naman honor yun, ang asawa ni paquiao gumaganda yata ano na dami na nilang pera.

Mel Avila Alarilla said...

Hi Shy,
Nakakatawa lang na si PGMA ay halos habulin si Obama sa buong America para makausap lamang pero hindi niya nagawa. Heto ngayon ang magasawang Pacquiao na sila mismo ang inimbitahan nang White House para magkaroon nang audience kay pres. Obama. Ganun na kasikat si Manny ngayon. Talagang nagpapaganda at nagpapasexy nang husto si Jinkee. Marami kasi ang gustong bingwitin ang hubby niya, hehehe. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.