Sunday, February 6, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Toni Gonzaga joins Kapamilya noontime show; she will be seen on TV every day

Toni Gonzaga joins Kapamilya noontime show; she will be seen on TV every day
Slideshow: Showbiz Photos

May bagong noontime show ang ABS-CBN, ang Happy, Yipee, Yehey!

Sina John Estrada, Randy Santiago, Sam Milby, Mariel Rodriguez, Melai Contiveros at Toni Gonzaga ang magiging hosts dito.

Mapapanood na si Toni sa telebisyon every day. Mula Lunes hanggang Sabado kasi ang ere ng HYY. At every Sunday naman ay may ASAP Rocks siya.

Hindi kaya mahihirapan si Toni dahil sobrang mapapagod na siya sa araw-araw na pagtatrabraho?

"Ganoon talaga, araw-araw. Pero aayusin pa namin yung schedule. Gagawing mas maayos para tama lang lahat,"sabi ni Toni.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang actress and TV host kahapon, February 5, sa dry run ng Happy, Yipee, Yehey! na ginanap sa studio 4 ng ABS-CBN.

Sa February 12, Sabado ang initial telecast ng HYY. Makakatapat nito ang longest-running show na Eat Bulaga! Handa na ba si Toni sa tapatan o labanan sa ratings?

GIVE AUDIENCE AN OPTION. "Kasi sabi ko nga, hindi mo naman puwedeng kalabanin ang isang institusyon e. Thirty five years na ang Eat Bulaga! Walang puwedeng lumaban doon. Ang puwede lang sigurong gawin ng bago naming show ay magbigay ng alternative sa audience," ang sagot ni Toni.

"Kasi kung ang goal namin makipag-compete, walang mangyayari. Siguro ang sa amin na lang ahh... makapagbigay kami ng alternative na magpapasaya rin sa kanila at ahh... makapag-inspire, mamigay din ng pera."

Ano ang naging reaction ni Toni nang malaman niyang makakasama at makakatrabaho niya muli si Mariel na nakasamaan niya ng loob?

"Di ba okey na kami last year pa? Hindi lang kami talaga nagkakaharap nang totoo.

"Sinabi ko naman, pag may mga ganitong proyekto, pag may mga magagandang dumarating na bagay, ang hirap-hirap namang palampasin dahil lang paiiralin ko yung emosyon ko or yung pride ko," aniya.

"Ako naman nasa sitwasyon na parang damn if you do, damn if you don't, e. Kahit anong i-explain ko, kahit anong sabihin ko... may judgement na sa aming dalawa.

"May mind set sila na hindi namin mababago. Kahit sabihin namin okey na, iisipin pa rin nila, nagkabati, nagplastikan, so hayaan na, ibigay mo na lang sa kanila yun.

"Basta ang importante sa akin kung ano man yung sinabi ko, yun ang totoo, tapos na, bahala na silang magdagdag ng istorya," saad ni Toni.

NO SUCH THING AS A PERFECT FRIENDSHIP. Sa tingin ba niya ay mababalik ang nawalang friendship nila?

"Tingin ko naman, walang perpektong pagkakaibigan. Lahat ng pagkakaibigan dumaraan sa rough road. E wala naman yun sa pagiging perpekto ng ano... ng isang friendship o ng relationship.

"Nasa ano yon e... sa kung paanong paraan kayo magsisimula uli, kung paano ninyo bubuuin ulit, kung ano man ang nagkaroon noon," sagot ni Toni.

"And ano siguro ahh... kasi dito sa trabahong ito hindi puwedeng personalin lahat, e. Kasi kung personal ka, hindi ka puwedeng mag-showbiz. Kailangan lahat kaya mong harapin.

"And kami naman ni Mariel, malalim na naman yung pinagsamahan namin. Kung ano man meron nung nakaraan, hayaan na natin. Last year yun. 2011 na, kalimutan na natin yun."

Totoo bang inabot ng apat na oras ang pag-uusap nila ni Mariel bago sila tuluyang nagkaayos?

"Oo," pag-amin ni Toni.

Ayaw na niyang iditalye pa ang naganap na pag-uusap nila ni Mariel na kaibigan niya for eight years.

"Yung mga detalye na nangyari doon sa apat na sulok ng kuwarto na yun, sa amin na lang yun. Kung anuman ang mga nangyari, kung ano man ang mga nasabi, kung anuman ang mga nilalaman ng puso namin ng mga panahon na yun, e sa amin na lang yun," aniya.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

☆♥Shydub♥☆ said...

Napaka indemand ni Toni ano, yung mga kasabayan niya hindi na masyado na iexpose, siya andyan pa rin.

Mel Avila Alarilla said...

Hi Shy,
Very talented kasi at maganda rin namin si Toni. Sayang nga lang at lumipad siya nuon mula sa Eat Bulaga sa takot na mapabilang siya sa mga nabiktima ni Vic Sotto. Hindi maganda na nililigawan ni Vic Sotto ang costar niya sa Eat Bulaga, tapos iiwan lang pala katulad ni Pia Guanio. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.