Thursday, January 27, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

15-year-old Filipino Thia Megia passes American Idol audition

15-year-old Filipino Thia Megia passes American Idol audition
Slideshow: Showbiz Photos

Ngayong gabi, January 27, ipalalabas sa Pilipinas ang episode ng American Idol Season 10 kung saan nag-audtion ang 15-year-old Pinay na si Thia Megia.

Sa audition niya sa Milwaukee, kinanta ni Thia ang "Chasing Pavements" ni Adele.

Pinabilib ni Thia ang tatlong judges na sina Randy Jackson, Steve Tyler, at Jennifer Lopez sa kanyang husay sa pagkanta. Tatlong "yes" ang nakuha ni Thia mula sa judges kaya tutuloy siya sa Hollywood para sa next round.

Ayon kay Jennifer, "total package" daw si Thia at kumportable ito habang nagpe-perform.

"I love your voice," sabi naman ni Steven. Nagustuhan din ng Aerosmith lead singer ang "character" ng batang singer.

Si Thia ay unang napanood sa U.S. nang mag-audition siya sa isa pang reality show, ang America's Got Talent, noong 2009. Nakapasok si Thia, na noo'y 14 years old lang, sa semifinals.

Ayon kay Thia, isang high school student, ang plano niya sana talaga ay sa Season 11 pa siya mag-o-audition para sa American Idol. Pero nang babaan ang age limit mula 16 years old to 15 ay nagdesisyon na siyang subukan ang kanyang kapalaran.

Lumipad pa sa Wisconsin si Thia at ang kanyang mga magulang para sa Milwaukee audition. Hindi niya na raw kasi mahintay ang audition sa California, kunsaan sila nakatira sa Mountain House.

Tiyak na maraming Pinoy ang mag-aabang ngayong season ng American Idol dahil isa na namang kababayan natin ang nakapasa sa audition at malaki ang tsansa na makapasok hanggang sa Top 12.

Ang American Idol ay napapanood dito sa Pilipinas sa Q11 at Star World.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

4 comments:

Rossel said...

Congratulations to her! another talent that we, Filipinos, would be proud of. Mabuhay tayong lahat!

God bless!

Mel Avila Alarilla said...

Hi Rossel,
Katulad ni Manny Pacquiao ay marami ring pintuan ang nabuksan dahil sa outstanding talent ni Charice. Sana matulad din sa kanya ang bagong Pinoy talent na ito. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Mel_Cole said...

Oi, galing ha. Hope she will make it to the top. Go Pinoy!

Mel Avila Alarilla said...

Hi Tocayo,
Yes, let us all pray that she reaches the top and will be declared the latest American Idol winner. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.