Wednesday, January 26, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Vandolph Quizon signs first managerial contract with Viva Artist Agency

Vandolph Quizon signs first managerial contract with Viva Artist Agency
Slideshow: Showbiz Photos

Simula nang pumasok si Vandolph Quizon sa mundo ng showbiz, ang ama na niyang si Dolphy, ang Hari ng Komedya, ang naging tagapamahala ng kanyang career.

Ngayong taon, napagdesisyunan ng dating child star na tanggapin ang offer ng bossing ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario na maging parte ng kanilang hanay ng mga artista.

Kaninang hapon, Enero 26, pumirma ng five-year contract si Vandolp, pati na ang asawa niyang si Jenny Fernandez, sa opisina ng Viva Entertainment sa Tektite Bldg, Pasig City.

"Sabi ni Boss Vic, 'It's about time na raw to medyo ibahin ko or ilihis ko 'yong tinatahak ko," sabi ni Vandolph.

Ayon pa sa anak ng Comedy King, mismong ang ama na rin niya ang nagmungkahi na pumirma ng kontrata sa Viva. "Sabi ni Erpat, 'This is the time to grow na. Gawin mo na 'yong mga alam mong puwedeng okay sa'yo.'"

Bukod sa pagiging manager niya noon, madalas ding kasama ni Vandolph ang kanya ama sa telebisyon at pelikula.

Sa TV, nariyan ang long-running TV series na Home Along Da Riles (1992), Quizon Avenue (2005), John en Shirley (2006), at Pidol's Wonderland (2010).

Sa pelikula naman, nagsama sina Vandolph at Dolphy sa Home Along Da Riles, Father and Son (1995), Tataynic (1997) Nobody, Nobody But Juan (2009), at Father Jejemon (2010).

Dahil sa beterano na ang kanyang ama sa industriya, madalas ay napapangaralan at pinapaalalahanan si Vandolph kung paano mapapatagal ang pananatili niya sa showbiz.

Kuwento ni Vandolph, "Lagi 'yan. Minsan may ibang usapan, 'tapos biglang maiiba. Minsan sasabihin, 'Ito tatandaan mo...' Siyempre, tumatanda na raw ako, kailangan be more responsible lalo na at may pamilya na ako.

"Tama na raw ang papetiks-petiks ko. Magtino na raw ako. E, nagtino naman na ako simula noong nagkapamilya ako. Sa awa ng Diyos, strong tayo ngayon."

Sa kanyang pagpirma ng kontrata, isang pelikula ang nakahandang gawin ni Vandolph kasama ang komedyanteng si Vice Ganda.

Ayon kay Vandolph, tulad ng kanyang ama, sa comedy rin siya malilinya. Pero ano naman ang masasabi niya na siya na rin daw ang susunod sa yapak ng kanyang ama?

"I'll do my best," sagot niya.

"I'll do what I can na alam ko na na-witness ko sa kanya noong lumalaki ako sa tabi niya. I'll try my best to execute the same punchline or anything.

"Pero Dolphy is Dolphy. Hindi natin puwedeng sabayan 'yon. I can do it but in my own way. Tingnan na lang natin kung papayag 'yong madlang people doon."

UPDATE ON HIS MOTHER ALMA MORENO. Bukod sa kanyang ama, sigurado rin daw na matutuwa ang kanyang inang si Alma Moreno-Salik sa pangyayaring ito.

Hindi pa raw niya ito naibabalita sa kanyang ina dahil abala ito sa katatapos pa lamang na eleksyon ng mga officer ng Philippine Councilors League. Si Alma ay konsehal ng lungsod ng ParaƱaque.

"My mom is busy, she's running for the Philippine Councilors League. So, medyo full-time politician na talaga siya. Talagang gusto niyang tumulong sa maraming tao, e."

Bagamat nauubos ngayon ang oras ni Alma sa kanyang tungkulin bilang konsehal, sinabi ni Vandolph na hindi pa rin nawawala sa isip ng kanyang ina ang showbiz.

"Nami-miss din niya, pero siyempre, iba 'yong puso niya, iba 'yong devotion niya ngayon, e. Doon talaga sa politics. Marami yata siyang plano for the rest of the councilors of the Philippines.

"Parang gusto niyang i-share sa councilors na parang paano pagagandahin ang liga natin na walang lokohan, pagmamahalan ang namamayani."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.