Sunday, December 12, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Cristine Reyes's tweets against "IDOL" ignite hot dicussion on Twitter

Cristine Reyes's tweets against "IDOL" ignite hot dicussion on Twitter
Slideshow: Showbiz Photos

May alitang namumuo ngayon sa pagitan ng VIVA contract stars na sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

Pumutok ito sa social networking site na Twitter, kung saan nag-post si Cristine sa kanyang account na PilyangSweet ng sunud-sunod na mensahe tungkol sa isang tao, na hindi niya direktang tinukoy kung sino.

Narito ang ilan sa mga tweet ni Cristine:

"Hindi ko gusto yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV.akala mo ba e hindi makakarating sakin? Punong puno na ako sayo."

"Pagmamagaling magsayaw habulin ng mga babaeng sexy... FYI mali ka ng dialogue e baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! binreak ka nga e!"

"nakikipaghiwalay sayo Ikaw ang habol ng habol! Alam mo yan! Alam mo ang TOTOO!!! Sa microphone m pa sinabi para marinig lahat ng artista!"

"napakasweet at napakabait ng image mo! Bakit Hindi mo totohanin in REAL LIFE?"

"uulitin ko Lang ha bago mo ka magbitaw ng salita siguraduhin mong Totoo! Kumanta ka na Lang! Bwiset ka!"

"Paka-bitter mo!"

"pakabait ng image mo Hindi nila alam Grabe ka Lang umarte! Nagpapatanggal ka ng artista sa asap kasi Di mo kaya makasama! Arte mo!"

"wag na wag mong sasabihin na ako ang naghabol dahil alam nating lahat na Ikaw ang halos mamatay sa kakahabol! alam mo yan!"

"at alam mong malinis kunsensya ko dahil Wala akong kasalanan sayo kaya tigilan mo ko ha! wag mo ko pikunin!"

"Naiirita ako sobra! Ayoko na mag-asap kasi ako naman ang aarte sa ngayon! Gagayahin ko rin ang drama niya! DRAMA PRINCESS!!"

"Hindi niyo naman mapapanuod sa asap kasi sinabi niya yung during rehearsal! At nakamicrophone pa! Ginagawa bigamy katawatawa!"

"Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!"

"What a backstabber with a super goody goody image and super sweet smile!"

"I'm not yet done with you. nawala Lang ako today sa asap lalapitan mo na agad. Grabe ka sarili mo ata tinutukoy mo sa parinig mo. MOVE ON"

"Baka naman till now e hoping ka pa? kaya nagpopowertrip ka na pinapatanggal niyo pa asap Kahit nakapagrehears na!"

"Oo nga pala Wala naman kami laban kasi Ikaw ang reyna! lahat ng gusto mo masusunod! Kahit nakakatapak ka ng bang Tao!"

"sige pagbibigyan kita! Kung ang tanging hiling mo Lang ba e makalapit sa kanya Hindi na ako mag-aasap! tutal show mo yun e.sayong sayo na!!"

"Hinding Hindi Ako papayag na ISA ako sa mapag-powertrip mo. Kung yung ISA ok Lang na ma-take ginagawa mo ako Hindi ko kaya."

"Hindi usapan ang talent o paramihanng fans! Hindi ako naghahanap ng kakampi! Magttweet ako ng Kahit ano dahil Sakin to."

"I'm so sure magddrama na naman yan. paawa effect. very talented. beat actress! Grand slam! mabuhay ka IDOL! bow ako sayo"

"MAGBIRO?!? PERO WALA NG PASARING alam naman ng lahat Kung ano yung biro na yun Di kami tanga."

WHO IS "IDOL" AND "DRAMA PRINCESS"? At press time, patuloy sa pag-tweet si Cristine tungkol sa taong binansagan niyang "drama princess."

Hindi ito naglagay ng anumang pangalan pero marami ang naniniwala sa Twitter na si Sarah Geronimo ang kanyang pinariringgan.

Panay rin ang banggit ni Cristine sa salitang "IDOL" bilang pagtukoy sa kagalit niya. Nagkataon namang ang huling pinagbidahang teleserye ni Sarah sa ABS-CBN ay ang iDOL.

Magkasama ang dalawa sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP XV. Pero kahapon, December 12, ay wala si Cristine.

May isa pang taong tinukoy si Cristine sa kanyang tweets. Aniya, "nakipaghiwalay" ito sa kanyang kagalit.

Hindi rin niya ito pinangalanan pero ayon sa Twitter users, ito ay si Rayver Cruz, na nali-link ngayon sa nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Magkasama sina Rayver at Cristine sa teleseryeng Kristine.

Sa mga nagtatanong kung ano ang kaugnayan nina Sarah at Rayver, nabalita noon na nagkaroon ng relasyon ang dalawang young stars. Bagamat pareho nilang itinanggi ito, marami ang naniniwala na nagkaroon sila ng ugnayan.

WHERE IT ALL BEGAN. Ang paghihimutok ni Cristine, ayon na rin sa kanya, ay nagsimula sa ASAP XV.

Ayon sa dalawang sources, bago nagsimula ang show, nagbitaw si Sarah ng isang comment habang kausap si John Prats. Ang sinabi raw ng Pop Princess, "'Pag magaling sumayaw, habulin ng mga babaeng sexy." Katatapos lamang noon ng dance number ni Rayver.

Nakarating ang comment ni Sarah kay Cristine, at bandang alas tres, nag-post ang huli ng, "I AM SO PISSED RIGHT NOW."

Habang tahimik si Sarah, sumagot naman ang handler nito na si Anna Dasig sa kanyang sariling Twitter account.

"@PilyangSweet nagbibiruan lang sila ni john pratts kanina..ewan ko kung bakit kailangan mong mag react ng over ng ganito? Relax ka lang! Alamin mo muna kung ano ang punot dulo bago ka magreact ng ganyan."

At ang huling anim na tweets ni Cristine sa isyu ay mga sagot niya sa sinabi ni Anna. Umiyak raw ito sa "sama ng loob." Ayon pa sa kanya, "wag siya kamo MAGBIRO ng Ganun Kung alam niya may pinaparinggan siya!"

TRENDING TOPIC. Ang mga tweets ni Cristine ay naging mainit na topic of discussion sa Twitter. Sa katunayan, ang salitang "Geronimo" ay umabot sa No. 9 top trending topic worldwide.

Hindi lang mga ordinaryong tao ang nakisali sa diskusyong ito kundi pati na ang iba pang celebrities.

Hati rin ang mga Twitter users kung sino ang kakampihan—may Team Sarah at meron ding Team Cristine.

Sa ngayon, hindi pa naririnig ang panig ni Sarah sa isyung ito, ngunit panay ang tanggol sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Sa pagkakakilala ng marami kay Sarah, madalas na tikom ang bibig nito sa tuwing nasasangkot sa isyu.

Sa kabilang banda, si Cristine naman ay kilala sa pagiging prangka sa pagsasabi ng kanyang saloobin. Matatandaang sa Twitter din pumutok ang alitan nila ni Pauleen Luna.

Hinihintay rin ng marami kung ano ang magiging reaksiyon dito ni Rayver.

Pinadalhan na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng text message si Veronique del Rosario, ang lady boss ng VIVA Artist Agency na siyang humahawak sa career ng dalawang stars. Kung magkaroon man ng updates, agad itong ilalathala sa site.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

4 comments:

Clarissa said...

hhhmmm...talaga naman ang mga celeb sa atin puro na lang alitan at palitan ng masasamang salita(T_T)

Mel Avila Alarilla said...

Hi Clarissa,
Yes, mula nung mauso ang Facebook at Twitter ay nauso ang patutsadahan nang mga artista at ibang celebrities. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

☆♥Shydub♥☆ said...

heheh ano ba naman ito, pag away talaga nawawala ang poise at modo ano.

Mel Avila Alarilla said...

Hi Shy,
Sinabi mo pa, lol. Pero si Cristine lang naman ang umaatake kay Sarah Geronimo sa twitter account niya. Ang nagtatanggol kay Sarah ay mga fans niya. Ayaw patulan ni Sarah ang mga patutsada ni Cristine Reyes. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.