Saturday, November 6, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


FIRST READ ON PEP: Shalani Soledad will be Willie Revillame's co-host in Willing Willie

FIRST READ ON PEP: Shalani Soledad will be Willie Revillame's co-host in Willing Willie
Slideshow: Showbiz Photos

Si Shalani Soledad ang magiging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie simula sa Lunes, November 8.

Ang magandang 30-year-old politician ang tinutukoy sa blind-item report sa PEP Alerts na lumabas ngayong araw, November 6, tungkol sa "isang big-time at kontrobersiyal na female personality na ipapakilala sa Willing Willie sa Lunes, Nov. 8."

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kagabi, November 5, nagkasarahan ang negosasyon sa pagpasok ni Shalani sa programa ni Willie. Pero hindi pa malinaw kung nakakontrata na siya o nasa trial period pa lamang.

Isang malaking hakbang para kay Shalani, na naninilbihan bilang konsehal sa Valenzuela City, ang pagiging co-host ng isang malaganap na variety program gaya ng Willing Willie.

Ibig sabihin kasi nito ay tuluyan nang pinalawak ni Shalani ang kanyang mundo. Mula sa pulitika ay tatawirin na rin niya ang mundo ng showbiz, kung saan mas magiging target siya ng intriga at kontrobersiya.

Bago pa man kasi siya nagdesisyon na pasukin ang mundo ng telebisyon ay naging laman na ng balita sa diyaryo, radio, telebisyon, at news websites si Shalani.

Bukod sa isang political figure, naging interesado rin ang media kay Shalani dahil sa pagiging ex-girlfriend niya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Shalani at PNoy, malakas ang usap-usapan na break na ang dalawa pagkatapos ng dalawang taon ng pagiging magkasintahan.

Bago maluklok sa puwesto si PNoy bilang Pangulo ng Pilipinas ay mainit na pinag-usapan ang kanilang relasyon. At nang umupo na sa MalacaƱang si PNoy ay marami ang nag-abang kung si Shalani na nga ba ang magiging First Lady ng Pangulo.

Pero tila malabo nang mangyari ito dahil sa balitang break na nga sila. Bukod dito, naiuugnay na rin ang pangalan nina Shalani at PNoy sa iba bagamat wala pa silang inaamin tungkol dito.

Samantala, hindi na maituturing na baguhan sa harap ng telebisyon si Shalani. Bago kasi niya pinasok ang mundo ng pulitika ay naging field reporter siya noon para sa UNTelevision.

Pero tiyak na ang pagpasok ni Shalani sa Willing Willie ay magbibigay lalo ng kulay sa lumalakas na bagong programa ni Willie.

Reposted From PEP (Philippine Entrertainment Portal)

No comments:

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.