Thursday, February 17, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Heart Evangelista's birthday gift from boyfriend Daniel Matsunaga: a round-trip ticket to Brazil

Heart Evangelista's birthday gift from boyfriend Daniel Matsunaga: a round-trip ticket to Brazil
Slideshow: Showbiz Photos

Isang surprise birthday lunch ang ibinigay ng production staff ng Dwarfina kay Heart Evangelista sa taping nila sa Concepcion, Marikina, kahapon, February 16.

Medyo late na ang birthday celebration dahil wala silang taping noong actual birthday ni Heart last February 14, Valentine's Day.

"Three days po kaming sunud-sunod na nag-taping last week para yung may gustong mag-celebrate ng Valentine's Day, libre sa araw na iyon.

"Kaya po noong birthday ko, relaxed lang ako. Naglinis ako ng bahay... Yun bang ang dami kong gustong linisin, hindi ko magawa dahil wala akong day-off sa trabaho. Kaya sinamantala ko 'yong two days na walang taping.

"After maglinis ng bahay, nag-grocery na rin ako. Yung mga kulang na gamit at pagkain sa bahay, binili ko," kuwento ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na dumalaw sa set ng Dwarfina.

Sinamahan ba siya ng boyfriend niyang si Daniel Matsunaga sa paglilinis ng bahay?

"Opo. Hanggang sa paggu-grocery, sinamahan niya ako," pag-amin ng 26-year-old actress.

TWO-IN-ONE CELEBRATION. Since sabay ang birthday niya at Valentine's Day, paano siya nag-celebrate?

"Simple celebration lang," sabi ni Heart.

"Isang surprise birthday dinner ang ibinigay sa akin ng sister ni Daniel, si Vanessa, sa bahay niya noong February 12. Nagluto siya ng mga Brazilian food.

"Noong birthday ko, simple dinner din lang with my family, Daniel, and some close friends. Hindi naman kami mahilig lumabas, saka ang traffic that day dahil Valentine's Day nga."

Kung isang poodle na pinangalanan nilang Max (Maxilino) ang Valentine gift sa kanya ni Daniel, ano naman ang birthday gift ng boyfriend sa kanya?

"Isa pong open-dated round trip ticket to Brazil," nakangiting sagot ni Heart.

"Anytime na gusto kong umalis, puwede. Pag-iisipan ko pa kung kailan ko gagamitin 'yon dahil busy nga po ako sa trabaho."

Naikuwento rin ni Heart sa press na nanganak ang German Shepherd niya ng walong puppies.

"At ka-birthday ko pa sila, noong February 14 din sila ipinanganak!" bulalas ni Heart.

"Na kay Daddy ang aso kaya siya ang nag-asikaso sa panganganak. Kaya lang, kanina, itinawag niya sa akin na dalawa na sa mga puppies ang namatay. Ang dami pa raw namang humihingi."

DANIEL'S PROPOSAL. Nang mag-guest si Heart sa Showbiz Central ay sinabi niyang si Daniel na talaga ang pakakasalan niya. Kung magpu-propose na ba ng kasal ngayon si Daniel, tatanggapin niya?

"Kung gusto namin, bakit hindi?" sagot ng young actress.

"Pero kailangan pa rin naming mag-isip. Hindi naman basta ka lang magpapakasal, kailangang pagplanuhan pa rin ito.

"Hindi naman ikaw lang ang dapat kumain. Lifetime decision ito, kailangang isipin mo rin ang magiging family mo.

"Biro ko nga kay Daniel, kung magkakaanak kami, ibu-beauty contest ko na lang kasi tiyak na magaganda sila at matataas dahil mataas ang daddy nila.

"Pero hindi po gano'n kasimple 'yon, kailangang paghandaan namin 'yon.

"Kaya gusto ko rin munang magkaroon ng solid business. Ang daddy ko, nag-iisip siya ng business na kakayanin ng intellect ko."

Bakit hindi restaurant business, na siyang family business ng mga Ongpauco?

"Mahirap po, kasi talagang lolokohin ka lang ng mga tao mo kung hindi mo personal na ima-manage ito. Biro nga ng daddy ko, kung may kaaway daw ako, sabihan kong magpatayo siya ng restaurant!" natatawang sabi ni Heart.

Muli namang nilinaw ni Heart ang balitang siya raw ang bumili ng bagong kotse ni Daniel.

"Ang weird nga po ang balitang 'yon. Pera ni Daniel ang ibinili niya ng Nissan car niya. Marami na rin naman siyang savings mula sa kanyang talent fees at kailangan na niya talagang bumili ng sarili niyang kotse. Ang ibinigay ko lang sa kanya 'yong sounds para sa car niya," saad niya.

HEART'S LEADING MAN. Isang bouquet of flowers ang iniregalo ng leading man ni Heart sa Dwarfina na si Dennis Trillo sa kanya during her surprise birthday lunch.

Kumusta naman sila ni Dennis?

"Okey na po kami ni Dennis," sagot ni Heart.

"Kinakausap na niya ako, hindi tulad noon na tahimik lang siya. Saka ngayon na lang kami madalas magkasama sa taping. Noong duwende ako, naka-chroma lang kasi ako lagi."

Nagpasalamat din si Heart sa lahat ng mga nanonood ng Dwarfina dahil sa mataas na rating nito.

Aniya pa, "Natutuwa ako kasi pinapanood ng daddy ko gabi-gabi at nagku-comment siya tungkol sa acting ko at sa mga eksenang ginawa ko.

"Ako, enjoy kong gawin ito. Mahilig kasi ako sa mga magical love story, tulad din ng una kong telefantasya, ang Luna Mystika, na si Mike Tuviera rin ang director namin."

Ang Dwarfina ay tatagal ng 17 weeks. Ito ang papalitan ng Amaya ni Marian Rivera sa May 2011.

TEMPTATION ISLAND. May nasulat na si Heart ang latest addition sa cast ng remake ng Temptation Island ng Regal Films, kung saan makakasama raw niya sina Marian Rivera at Lovi Poe. Pero baka hindi raw siya matuloy dahil sa isang eksenang hindi niya kayang gawin.

"Kung ako lang, gusto kong gawin ang movie dahil si Chris Martinez ang director at mga Kapuso rin ang mga artistang kasama ko. Pero baka po hindi matuloy kasi may isang eksena doon na hindi pumayag ang daddy ko.

"May pagka-naughty kasi ang character, siya yung sexy na may yaya pa. At minsang naligo siya, haharap siya sa mga kasama niya na mga kamay lang niya ang nakatakip sa breasts niya.

"Ayaw ni Daddy. Okey lang daw kung magsusuot ako ng two-piece swimsuit or short shorts, pero 'yong topless talaga na kamay lang ang nakatakip, ayaw niya.

"Ewan ko kung papayag silang baguhin ang eksena. Bahala na po ang parents ko na makipag-usap kay Mother Lily," saad ni Heart.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

Mel Cole said...

Ayayay, mga bibigaten yung mga kumares mo sa kumares inc Sir Mel. hehehe. Yep, those three Mommies, I really liked the most in blogging world. They win a friend's trust so easy! Ikaw din Sir mel, from the bottom of your heart kasi mga comments mo. It melts my heart! hehehe

Anonymous said...

Hi Tocayo,
We share the same admiration and esteem for the three of them. I am proud to be called their friend. Great that you appreciate my tribute to them. Thanks for the compliment too but as always, TO GOD BE THE GLORY. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.