ABS-CBN reveals lineup of shows for 1st quarter of 2011; former Kapuso star Jewel Mische is the new leading lady of Gerald Anderson
Kumpirmadong Kapamilya na ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si Jewel Mische.
Matagal-tagal na ring usap-usapan ang tungkol sa paglipat ni Jewel mula sa GMA-7 papunta sa ABS-CBN, bagamat wala pang opisyal na pahayag mula sa young actress at maging sa Star Magic, kung saan nabalitang pumirma siya ng kontrata.
Kagabi, December 3, sa Christmas party ng ABS-CBN para sa entertainment press na ginanap sa Dolphy Theater, pormal nang inanunsiyo ang magiging unang proyekto ni Jewel bilang isang Kapamilya—ang action series na Bagwis.
Si Jewel ang magiging leading lady ng isa sa top male stars ngayon ng ABS-CBN—si Gerald Anderson.
Isa ang Bagwis sa mga malalaking shows ng ABS-CBN sa first quarter ng 2011, bagamat ilan sa mga ito ay magsisimula na bago matapos ang 2010.
FRANCHISE SHOWS. Kasama rin sa mga programang naka-lineup sa ABS-CBN next year ang apat na franchise reality-game shows.
Una na rito ang fourth season ng Pinoy Big Brother (PBB), ang reality show mula sa Endemol. Sa PBB nagmula ang ilan sa pinakamalalaking bituin ngayon ng ABS-CBN gaya nina Sam Milby, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Zanjoe Marudo.
Matagal nang nababalita ang Pinoy Big Loser, ang reality show para sa mga "heavyweights" kunsaan tutulungan ng programa ang mga contestant na magbawas ng timbang at magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sarili. Sa wakas ay matutuloy na itong ipalabas sa susunod na taon.
Ang Pinoy Big Loser ay ihu-host ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Aabangan din ng marami ang competitive cooking game show na Junior Master Chef, kunsaan magiging tampok ang mga batang nangangarap na maging chef.
Ang Junior Master Chef ay ihu-host ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos. Ito ang unang regular show niya pagkatapos niyang magsilang sa anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.
Magkakaroon na rin ng Philippine version ang longest-running game show sa U.S., ang The Price Is Right, mula sa FremantleMedia. Nagsimula noong 1956, 54 years nang umeere sa U.S. ang show na ito. Ang mga naging host nito ay sina Bill Cullen, Bob Barker, at ang current host nito na si Drew Carrey.
Dito sa Pilipinas, ang maghahatid ng papremyo at saya sa ating mga kababayan ay si Kris Aquino.
OTHER SHOWS. Ibabalik naman ng ABS-CBN ang Star Circle Quest for the Next Kiddie Superstar, ang reality-based artista search na tampok ang aspiring child superstars.
Ang maghu-host nito ay si KC Concepcion.
Sina Luis Manzano at Alodia Gosiengfiao naman ang hosts ng gag show na Laugh Out Loud.
Ngayong December ay si Kim Chiu ang featured star sa Sunday drama anthology na Your Song.
Ilu-launch naman into stardom si Jessy Mendiola sa pamamagitan ng early primetime series na Sabel, kung saan makakapareha niya ang mga baguhan ding sina AJ Perez at Joseph Marco.
Ang Sabel ay magsisimulang mapanood sa Lunes, December 6.
Isa naman sa aabangang primetime drama series next year ay ang Pinoy verison ng hit Koreanovela na Green Rose. Tampok dito sina Jericho Rosales, Jake Cuenca, at Anne Curtis.
Ilan lamang ito sa exciting shows ng ABS-CBN next year na tiyak na aabangan ng avid Kapamilya viewers.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
4 comments:
Avah mashowbiz ka kuya ah hehehe... Tagal ko ng alang news about Phil. entertainment, thanks for sharing this one.
ngayon ko lang nalaman na lumipat na pala sya sa abs cbn. napapag-iwanan na ako pagdating sa balitang showbiz. =)
God bless you, Sir Mel!
Hi Rose,
Nanghihinayang ako kay Jewel Mische dahil paborito ko ang bata na iyan. Binoto ko pa siya nang online votes nung kandidato pa siya sa Starstruck. Siguro lumipat sa ABS CBN dahil nag break sila ni Richard Gutierrez at gusto niyang makalimot katulad nang nangyari nuon kay Karylle. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.
Hi Rossel,
Kalilipat lang niya at ginawa agad siyang bida sa isang telenobela opposite Gerald Anderson. Malamang mangyayari sa kanya yung nangyari kay Anne Curtis na sumikat nung lumipat sa kapamilya channel, lol. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.
Post a Comment