Tuesday, November 30, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Sunshine Dizon's husband turns himself in to police after running down elderly woman

Sunshine Dizon's husband turns himself in to police after running down elderly woman
Slideshow: Showbiz Photos

Sumuko na sa pulisya si Timothy Tan, ang asawa ng aktres na si Sunshine Dizon, matapos makasagasa ng 60-taong gulang na babae kahapon ng gabi, Nobyembre 29.

Namatay sa aksidente ang biktima, na kinilalang si Johara Alignaye, isang Badjao.

Ayon sa ulat ng Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN kaninang umaga, Nobyembre 30, nangyari ang aksidente sa Barangay Balibago sa Angeles, Pampanga, sa ganap na alas-onse ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ni Alignaye na nakahiga sa kalsada.

Ayon sa mga saksi, mabilis daw ang pagmamaneho ni Timothy sa kanyang itim na kotse nang mabangga niya ang tumatawid na biktima.

"Nag-red light, e, [tapos] nag-green, tapos bigla siyang nagbilis... Open ang daan... Yung matanda, tumatawid. Tapos, hindi na siya pumreno, dire-diretso siya hanggang sa makalayo siya," saad ni Junell Magnaye, isa sa mga saksi.

Agad namang sumuko si Timothy sa mga awtoridad.

Kakasuhan umano ang mister ni Sunshine ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Tumangging magpaunlak ng panayam si Timothy sa staff ng Umagang Kay Ganda.

Pinakasalan ni Timothy, isang piloto, ang aktres na si Sunshine noong March 20, 2010 sa isang private ceremony sa Valle Verde 6 clubhouse sa Pasig City.

Wala pa silang anak, bagamat apat na buwang buntis ngayon si Sunshine.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

Rossel said...

What a sad news. Kung sana ay tumigil sya at dinala agad sa ospital ang matanda baka sakaling nabuhay.

Mel Avila Alarilla said...

Hi Rossel,
Witnesses said that the husband of Sunshine was really speeding. It is unfortunate that somebody has to die because of one's propensity to over speed when driving. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.