Sunday, November 14, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



President Noynoy Aquino reveals interest in stylist Liz Uy

President Noynoy Aquino reveals interest in stylist Liz Uy
Slideshow: Showbiz Photos

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Pangulong Noynoy Aquino na nagde-date sila ng kanyang stylist na si Liz Uy.

Ayon sa SunStar, ginawa ni PNoy ang pag-amin sa harap ng media na nagku-cover ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Yokohama, Japan.

Pero mas naging bukas si PNoy ng kanyang nararamdaman para sa 28-year-old stylist sa panayam sa kanya ng TV5 news anchor na si Jove Francisco kahapon, November 13.

Ayon sa 50-year-old bachelor president, na-realize niya ang kanyang nararamdaman para kay Liz bago ang kanyang state visit sa U.S. noong September.

"Noong kampanya, wala pa," paglilinaw ni PNoy.

"I was in a relationship. I was focused on the campaign. I was focused on trying to make that relationship work also."

Ang tinutukoy na "relationship" ni PNoy noong nasa U.S. siya ay ang sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Shalani Soledad, kasalukuyang konsehala sa Valenzuela City at kasalukuyan ding co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie.

Tungkol kay Liz, ito ang naging pahayag ng Pangulo: "We had a conversation and I discovered how beautiful a person she was. I am impressed how she could engage in a conversation."

Inamin din ni PNoy na hindi nawawala ang komunikasyon nila ni Liz.

Ang huli raw nilang pag-uusap ay bago siya lumipad patungong Japan. Nagte-text din daw sila sa isa't isa habang nandoon siya.

Si Liz ay dating girlfriend ng sikat na aktor na si John Lloyd Cruz.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

4 comments:

Mel Cole said...

Oh my gosh. Ano ba to? Nakakahiya naman.

Mel Avila Alarilla said...

Hi MelCole,
Hindi naman. Dalaga naman si Liz UY at binata naman si Pres. Noy. Siguro nalulungkot ka lang sa paghihiwalay ni Noynoy at Shalani. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

chubskulit said...

Bakit parang ngayong naging presidente na sya eh saka naman panay ang litaw ng mga chicks hehehe

Mel Avila Alarilla said...

Hi Rose,
Siyempre me glamor at prestige ang maging First Lady di ba? At saka baka malamig sa tirahan ni Noynoy sa Malacanang magpapasko pa naman, lol. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.