Friday, July 9, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Regine Velasquez reportedly gave boyfriend Ogie Alcasid a black BMW Series 7 luxury car

Regine Velasquez reportedly gave boyfriend Ogie Alcasid a black BMW Series 7 luxury car
Slideshow: Showbiz Photos

Marami ang naging curious kung anong "luxury car" ang iniregalo ni Regine Velasquez sa kanyang kasintahan na si Ogie Alcasid.

Matatandaang nang sumalang si Ogie sa "Behind the Wall" segment ng Showbiz Central noong Linggo, July 4, ay tinanong ng host na si Raymond Gutierrez ang singer-comedian tungkol sa nabalitang luxury car na ibinigay ng Asia's Songbird sa kanya. Hindi kinumpirma ni Ogie kung totoo ngang niregaluhan siya ni Regine ng luxury car, pero inamin niyang nakagawian na nilang magkasintahan na magbigay ng lavish things."

Paliwanag niya, "I know that buying lavish things is not practical. Pero ano ang magagawa mo kung mahal mo, di ba? Siyempre, ibibigay mo talaga ang sa tingin mo magugustuhan ng partner mo, di ba? You know, habang kaya, habang bata pa at kaya."

Nang tanungin naman si Regine kung totoo ngang binigyan niya ng luxury car si Ogie ay hindi rin nito direktang sinagot ang tanong. Pero nang tanungin kung ano ang okasyon kung bakit niya binigyan ng regalo si Ogie, ito ang kanyang sagot: "E, kasi minsan naman, masarap lang magbigay ng gift kahit walang okasyon. Kasi medyo guilty ako, hindi ko siya naaalagaan lately. Palagi akong nagte-taping. Pang-kabuhayan showcase! So, yun."

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit sa dalawa na Black BMW Series 7 ang luxury car na iniregalo ni Regine kay Ogie. Ayon sa mga napagtanungan namin, nasa P3 million pataas ang halaga ng ganung klaseng sasakyan.

Tila hindi nga alintana nina Regine at Ogie ang halaga ng mga bagay na inireregalo nila sa isa't isa, at patunay nga nito ang sasakyang ibinigay ng Asia's Songbird sa Ultimate Singer Songwriter.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

*♥Shydub♥* said...

Nakakatawa talaga itong mga relasyon ng mga celebrity ano. who have thought that regine and ogie will be together. anong nangyari sa mga anak ni ogie ky michelle Sir mel. i feel bad for the kids got affected by their parents stupid decision. Kaya nga ko kahit mahirap i adjust asawang mga jolen sa utak ito pa rin nag tatyaga.

Mel Avila Alarilla said...

Hi Shy,
Nakakatawa talaga ang mga comments mo, pinasasaya mo ang araw ko, lol. Mabuti naman ang kalagayan nang mga anak ni Ogie at Michelle at kasama sila nang kanilang ina na nagasawa na rin nang iba sa Australia. Maganda naman ang naging relasyon ni Ogie sa dati niyang asawang si Michelle at dinalaw pa nga nila ni Regine ang kasal nito sa bago niyang asawa. Talagang ganuon ang buhay, may mga relasyong nagtatapos at may mga relasyong tumatagal kahit may jolens ang utak nang asawa nila, lol. Ikaw talaga, sabi nga ni Willa, baka nakasinghot ka na naman nang katol, bwahahaha, lol. Joke lang kaibigan, walang pikunan. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.