Wednesday, March 17, 2010

Nakakasulasok



Dahil sa prinsipyo ay hindi ako naglalahad nang mga negatibong artikulo sa mga blogs ko pero hindi ko na matiis ang pagmamalabis at pagyurak nang Pangulong GMA sa mga Pilipino at institusyong pam Pilipino. Ang pinakahuling hirit ni PGMA ay ang pagpipilit na siyang mag appoint nang bagong Supreme Court Chief Justice na sinagayunan naman nang Korte Suprema. Para bagang naghahanda na si PGMA na maharap sa patong patong na asunto nang plunder at betrayal nang sinumpaan niyang katapatan sa konstitusyon at sa Republika nang Pilipinas. Hinirang na niya ang bagong Chief of Staff nang Armed Forces of the Philippines. Preparasyon na ba ito nang pagdedeklara nang Martial Law kapag tumagilid ang katayuan niya? Una dito ay nagdeklara siyang tatakbo bilang kinatawan nang ikalawang distrito nang Pampanga, preparsyon na maging bagong pinuno nang Kongreso at palitan ang porma nang gobyerno mula presidential tungo sa parliamentary. Kung baga sa baseball, all bases covered ang pangulo sa pagsisiguro na matutuloy ang kanyang pamumuno. Hindi na siya nagkasya na manungkulan nang sampung taon sa kaduda dudang pagkapanalo (kuno- hello Garci?), ngayon gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan by hook or by crook. Kahiya hiya ang naging panunungkulan niya nang ginagantimpalaan pa niya ang mga nagtago nang katotohanan para sa kanya katulad ni Romulo Neri na matapos hindi nagsiwalat nang katotohanan tungkol sa ZTE Scam ay ginamtimpalaan nang magandang posisyon bilang head nang SSS. Abangan ang mga susunod na pakulo ni PGMA sa pagpipilit na ituloy ang pamumuno niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Wala na bang kahihiyan at moralidad sa Pilipinas?


5 comments:

bluedreamer27 said...

hayst,.. sna nga matapos na ang lahat ng ito... Si PGMA talaga ang puno't dulo ng lahat.... Sna ay maisalba tayo ng susunod na administrasyon.... dahil nakakasawa na ang paulit ulit na kurapsyon ant pangloloko

►TOP FIVE MOST NOTABLE MORTAL FEMALE MOVIE SERIAL KILLERS
►HAVE YOU EVER WON A CONTEST ONLINE?

Mel Avila Alarilla said...

Hi Blue,
Yung post na ito ay simultaneous post ko sa ibang blogs ko pa. Normally, hindi ako nagpopost nang anything negative tungkol sa bansa natin pero talagang nakasusulasok na si PGMA sa pinaggagagawa niya sa atin. Para bang tau tauhan na lang tayong lahat at harap harapan na kung lukohin niya. Maka karma rin siya sa Panginoon. Salamat sa dalaw at komento. God bless you always.

Chubskulit Rose said...

Siguro nga Kuya wala na kung sa politicians ang paguusapan, puro ganid sa power and money kaya lahat gusto magkapwesto sa gobyerno.. Natatawa ako sa mga comments mo about politics dyan satin lol.. Pwera na lang kung ideport ako ni Uncle Sam saka ako mapipilitang tumira dyan but I would prefer to stay here for good kasi ang hirap ng buhay dyan satin..

Mel Avila Alarilla said...

Hi Rose,
Alam mo, sa tutuo lang maski nagrereklamo ako sa pinaggagagawa nang mga politiko dito ay gusto ko pa rin dito kaysa ibang bansa. Kapag dito mo ginastos ang dollar mo ay napakalaki nang value. Hindi katulad kung diyan gagastusin. Kung me pera ka ay masarap pa rin dito mabuhay. Me katulong ka pa dito at tsuper. Hindi pwedeng magkaroon nang ganyan sa Tate. Very rich people lang yung makaka afford nang ganyan sa Tate. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

Chubskulit Rose said...

sabagay tama ka nga dyan, kung comfort ang pauusapan eh mas magandang mamuhay dyan sa tin but when it comes to economy and stuff ang hirap makipagsapalaran satin..

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.