Carla in, Rhian out—as Dingdong's leading lady in GMA's My Beloved?
At ang lumulutang na pangalan na makakapareha ni Dingdong Dantes sa naturang serye ay si Carla Abellana.
Kaya naman isa ito sa tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa presscon ng pelikulang Yesterday Today Tomorrow nitong Martes ng gabi, sa Imperial Palace Suites.
Ayon kay Carla, "Nababalitaan ko yun, pero wala pa naman akong nababalitaan from GMA at kay Tito Arnold [Vegafria, her manager].
"Hindi pa.
"So, sabi ko, hangga't hindi pa nanggagaling sa kanila, hindi tayo sigurado.
"Sa ngayon, tsismis lang."
Paano kung totoo ngang siya ang napipisil ng GMA-7 na gumanap sa role na dapat kay Rhian, tatanggapin ba niya?
"Walang problema. Trabaho pa rin yun," sagot ni Carla.
"Pero gusto ko sanang tapusin muna ang Kung Aagawin Mo Ang Langit kasi naumpisahan ko na.
"Alangan naman na iwan ko lang yun na basta-basta.
"Siyempre, I still have my responsibilities.
"Tatapusin ko yun. Gusto kong tapusin yun."
Kung Aagawin Mo Ang Langit ang afternoon soap ni Carla kasama sina Michelle Madrigal at Mike Tan.
Ayon kay Carla, hanggang January 2012 pa ang taping nila para sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, pero hanggang sa February pa ang airing nito.
Kung sakaling matuloy si Carla sa My Beloved, ito ang unang pagkakataon na makakapareha niya si Dingdong sa isang soap.
Pero nagkasama na sila bilang co-hosts sa StarStruck V.
OFFER FROM OTHER NETWORK. Sa February 2012 ay matatapos na ang kontrata ni Carla sa GMA-7.
Hindi itinatanggi ng aktres na may offer siya mula sa isang rival network.
Kung sakaling matuloy siya My Beloved, isa ba ito sa kunsiderasyon para manatili siyang Kapuso?
"Puwede, oo," tugon ni Carla.
"Pero siyempre, hindi lang naman yun.
"Kailangan naming marinig kung ano ang plans ng GMA para sa akin.
"Hindi naman enough na, 'eto ngang if ever na project na ito, kailangan ano pa ang mga susunod na plano, di ba?
"Kailangan marinig muna namin the rest."
Sa palagay ni Carla ay magkakaroon naman ng meetings para mapag-usapan ang bagay na ito.
Pero detalyado na raw ang offer ng ibang network sa kanya.
Saad ni Carla, "Oo naman. Detalyado kung ano ang mga proyekto...
"Kung ilang taon...siyempre, nandoon na rin ang talent fees sa kontrata at naka-indicate."
Isang network lang naman daw ang nag-o-offer sa kanya.
Pero ayon kay Carla, "Ayoko sanang lumipat.
"Pero kung wala naman akong choice kung hindi i-consider, based on their plans for me, e, di uupuan natin yun at pag-uusapan natin yun.
"Nandiyan pa rin siya, hanging pa lang.
"Kasi, hindi pa naman kami nag-uusap ng GMA. Hindi pa kami nagmi-meeting.
"So, hindi pa namin alam kung ano ang plans ng GMA for me."
Paano kung maganda rin ang offer ng Kapuso network sa kanya?
"E, di okay. I will remain in GMA," nakangiting sagot ni Carla.
Paano kung mas maganda ang offer ng kabila?
"Naiiyak ako!" biro niya.
"Mahirap talagang desisyon yun.
"Kung maganda ang offer ng kabila, ang pagpipilian mo, ano ba, magandang offer or loyalty mo?"
Ano ang magiging deciding factor niya kung saka-sakali—magandang offer o loyalty?
"'Yun nga, e. Malay ko. Paano ako magde-decide?
"Tingnan muna natin, di ba?
"I cannot say which I will choose—loyalty or magandang offer—because I haven't seen GMA's offer also and plan."
GEOFF IS NOT A FACTOR. Posible bang manatili rin siya sa GMA-7 dahil sa boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?
"Hayan na naman... Hindi ako mag-i-stay sa GMA dahil lang kay Geoff, ha.
"Walang problema. Kung trabaho, trabaho.
"Siyempre, I will consider him, but hindi naman porke't nandoon siya, susunod ako do'n.
"Sabi nga ni Geoff... Di ba, sa interview n'yo, sabi niya, 'Kung trabaho, trabaho.'
"Hindi naman magma-matter, iisang industriya lang 'yan.
"Kahit magkahiwalay kami ng network, okay lang."
Yun nga lang, minsan pumapasok ang problema ng magkarelasyon kapag magkahiwalay sila ng network.
Ayon naman kay Carla, "Ganoon talaga.
"Pero, doon mate-test kung trabaho or lovelife.
"Sa ngayon, ang priority talaga, trabaho." -- Rose Garcia, PEP
Re-post From Rose Garcia of PEP
No comments:
Post a Comment