Friday, March 26, 2010

Masaker





Matapos ang tagumpay ni PGMA sa Supreme Court nang paboran siya nito nang karapatang pumili nang susunod na Chief Justice nang Supreme Court ay hindi nagaksaya nang panahon ang pangulo na sibakin ang mga career officials sa mga piling tanggapan nang gubyerno at halinhan ang mga ito nang kanyang mga piling tauhan. Ang unang nakatikim nang masaker ay ang kinatawan natin sa Germany- si Gng. Delia Domingo-Albert. Ni hindi man lang siya inabisuhan nang pagkakasibak sa kaniya. Sumunod ang mga pangunahing tauhan nang National Museum at National Historical Institute. Hindi rin nila nalaman na nasibak na pala sila. Nagkukumahog ang pangulo para sa sangkatutak na midnight appointments na clear violation sa isinasaad nang Konstitusyon at batas. Siguradong ia antedate nang Malacanang ang petsa nang paghirang sa kanila. Marami pa ang inaasahang masaker at midnight appointments nang dapat pababa nang pangulo. Nawala na ang delikadesa sa kanya basta masunod lamang ang kagustuhan niya. Sobrang takot niya na makasuhan nang plunder pagbaba niya nang poder kaya lahat na lamang nang paraan ay ginagawa niya para mapalawig pa ang kanyang termino. Pero merong makakapigil sa mga tiwaling gawain niya at iyon ay ang Diyos. Kahapon ay isinugod si FG sa ospital dahil sa komplikasyon sa puso. Harinawang makonsensya ang magasawa at huwag nang ituloy ang mapagimbot nilang plano para sa bansa. WALA NA BANG KAHIHIYAN AT TAKOT SA DIYOS SA PILIPINAS?

Followers

How do you want to see your blog reviewed, evaluated and rated as I see it? It's free!!! All that I request from you is a backlink from your blog to my blog by including my blog in your blogroll or enroll my blog in your subscriber or email feed. Aren't you curious how I will rate your blog as I see it?

To All Filipino Bloggers

May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You can do so by commenting on my post or sending me an email containing your name, address, name of blog and its url. My email address is melalarilla@gmail.com. Your name, address, name of blog and its url will be included in the official registry of members posted permanently at my blog. Please join and be counted. Thank you so much. Mabuhay and God bless you and your loved ones.