Isa si Jim Paredes sa mga vocal critics ni Willie Revillame at noong Biyernes ng gabi, April 15, nag-post siya ng komento sa Think TV page ng Facebook tungkol sa headline ng Philippine Daily Inquirer na "TV5 Willing To Back Willie Revillame."
Ayon sa report ng Inquirer, suportado ng TV5 si Willie dahil walang nakikita na dahilan ang management para alisin ang kontroberisyal na programa ng TV host, ang Willing Willie.
Sinabi ng TV officials na "unfairly cast" si Willie sa mata ng publiko bilang "child abuser" pero gumagawa sila ng mga guideline tungkol sa paglabas ng mga bata sa mga entertainment at news program ng TV5.
Ang businessman na si Manny V. Pangilinan ang may-ari ng TV5 at siya ang naging puntirya kagabi ng Think TV post ni Jim.
Ito ang eksaktong statement ni Jim na nai-post ng 10:32 PM:
"Willie has screwed up majorly on ABC 5, but Manny V. Pangilinan is giving him another chance. Just like Gabby [Lopez] did many times in abs-cbn... I don't know if MVP notices this but he seems to be copying Gabby Lopez's actions. History is repeating itself. I don't know if he is doing this consciously, or if this another subtle, unintended act of 'plagiarism'. ha ha.."
Noong nakaraang taon, nasangkot sa kontrobersiya ang TV5 owner dahil sa bintang na kinopya niya ang kanyang commencement speech para sa graduating students ng Ateneo de Manila University mula sa mga speech nina Oprah Winfrey, Barack Obama, JK Rowling at Conan O'Brien.
Inimbitahan si Pangilinan na graduation speaker dahil sa honorary degree na ipinagkaloob sa kanya bilang pagkilala sa paglilingkod at mga contribution niya sa Ateneo de Manila University.
Nag-apologize si Pangilinan kay Fr. Bienvenido Nebres, SJ, ang Presidente ng Ateneo de Manila University sa pamamagitan ng isang written apology. Nag-offer din siya na magbitiw sa kanyang tungkulin bilang chairman ng Ateneo Board of Trustees.
Ang insidente na kinasangkutan ni Pangilinan ang basehan ng "act of 'plagiarism'" comment ni Jim sa Think TV page ng Facebook na biglang na-delete.
Incidentally, bukod sa ownership ng TV5, stockholder si Pangilinan ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star, ang broadsheet na pinagsusulatan ni Jim ng kanyang weekly columns.
MISUNDERSTANDING WITH BONGBONG. Samantala, nag-apologize naman si Jim sa kanyang Twitter account nang ma-realize niya na hindi para sa kanya ang tweet ni Senator Bongbong Marcos na naging ugat ng kanilang sandaling patutsadahan sa Twitter noong April 11. (CLICK HERE to read related story.)
"OK. I figured.. Sorry Bongbong.. Your coward statement was meant for someone else" ang naka-post sa Twitter account ni Jim.
Si Jim ay isa sa miyembro ng legendary singing group na APO Hiking Society, na naging prominente noong 1986 Edsa People Power Revolution. Dahil sa People Power kaya napilitang bumaba sa puwesto si dating Presidente Ferdinand Marcos, ang ama ni Senator Bongbong.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)